banner image

How Internet Marketing Can Help Struggling Networkers In Their Network Marketing Business


Marami sa mga network marketers ngayon ang patuloy na nag s-struggle sa kanilang network marketing business dahil patuloy pa rin nilang ginagamit yung mga old and ineffective strategies na tinuturo sa kanila ng kanilang companies at ng kanilang sponsors.

Like for example, yung pangingidnap o pag invite sa kakilala na kunwari ay kakain lang sa labas or mag ka-kape tapos pagdating sa meeting place ay biglang pre-presentan ng business offer at ng compensation plan na siyang kinaka-gulat ng mga nai-invite nila.

Kaya naman di ma-iwasan na magalit at ma-inis ang karamihan sa industriya ng networking dahil sa ganitong mga klase ng marketing strategy.

Marahil isa ka rin sa mga struggling networkers na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawang magkaroon ng sale sa kanyang business dahil dito.

Pero wag kang mag alala dahil dito sa post na 'to ituturo ko sa'yo kung paano nga ba makaka-tulong sa'yo ang Internet Marketing sa iyong network marketing business.

Basically ang Internet Marketing is selling products using the internet.

Sa internet nagaganap lahat ng process from prospecting, qualifying, business presentation, and closing sales.

It's 100% automated.

Ang kailangan mo lang ay magkaroon ng sarili mong website na siyang magbe-benta para sa'yo 24/7.

Hindi mo na kailangan pang mamilit ulit ng prospects para sumali sa business mo dahil kusa na silang sasali sa business mo if qualified talaga sila sa business mo.

Ito yung ilan sa mga bagay na kailangan mo para maka-pag simula ka sa Internet Marketing approach...

1. Sales Video Presentation

Kailangan mo ng very convincing na sales video presentation. Yung sales video presentation na yun ang siyang mag pre-present ng business mo sa iyong prospects kapag bumisita sila sa website mo. At yun na rin ang mag co-convince sa kanila na sumali sa business mo. Kailangan yung sales video presentation mo ay kumpleto sa detalye at ginamitan ng Psychology para talagang maging very effective.

2. Sales Funnel

Ang sales funnel ay yung series of website na siyang mag qua-qualify ng prospects mo kung talaga bang qualified sila sa business mo. Ito yung pagdadaanan ng mga prospects mo bago sila maka-pag join sa business mo.

3. Email Autoresponder Service

Kailangan mo ng Email Autoresponder Service dahil ito yung gagamitin mo to follow up your prospects about your business. It's important na i-follow up mo yung prospects mo dahil hindi naman sila agad-agad na mag jo-join sa business mo once makita nila yung offer mo. Kailangan mo sila padalhan ng series of emails na magbi-bigay karagdagang information sa kanila about your business na sasagot sa mga natitirang tanong sa isip nila about your business.

Marami ka pang ibang bagay na kailangan pagdating sa Internet Marketing but since this post is about how Internet Marketing can help you in your business then naka focus lang tayo dun sa main stuff na kailangan mo. Hindi kasama dito yung compensation plan, payment system, and other stuff.

Once meron ka ng sales video presentation about your business, sales funnel na siyang mag qua-qualify sa prospects mo, at email autoresponder service to follow up your prospects magagawa mo ng i-automate yung business mo para kahit may iba kang ginagawa ay patuloy na tumatakbo yung business mo. At magiging madali na rin sa'yo ang pag qualify sa mga prospects mo dahil sila na mismo ang mag qua-qualify sa sarili nila through the sales funnel. Ang pinaka-problema mo na lang is yung prospecting.

Maraming way para maka-hanap ka ng prospects sa business mo. Isa na dun ay yung Facebook. Pwede kang gumamit ng Facebook Groups para i-market yung business mo. Pwede ka rin gumamit ng Facebook Page at ng Facebook Ads para mas madali kang maka-hanap ng prospects para sa business mo though it's a paid service pero worth it siya.

We won't go that far with regards sa mga yan. Binigyan lang kita ng ideas that can help you in implementing Internet Marketing approach sa network marketing business mo. Ang post na 'to kasi is intended just to give you a brief information about how Internet Marketing works.

I hope this post serves you.

Don't forget to leave your comments below and share this post!

PS. If You Want To Learn More About Internet Marketing And How You Can Make Money Using This Kind Of Business, Click This Link...


Bringing out the best in you,
Richmond Dee
Entrepreneur & Author of eBooks
How Internet Marketing Can Help Struggling Networkers In Their Network Marketing Business How Internet Marketing Can Help Struggling Networkers In Their Network Marketing Business Reviewed by Richmond Dee on 8:03 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.