banner image

5 Things That Will Help You Finish Doing Your To-Do List For Your Business


Madalas ka bang kulangin sa oras kapag ginagawa mo yung business mo?

May gusto akong i-share sayo. Ako bilang estudyante at internet marketer at the same time ay nahihirapan balansehin ang oras ko sa isang araw. Tuwing pagkakauwi ko pagkatapos ng klase, mga 12 Noon ay tsaka ako naglalaan ng oras para gawin ang business ko. Usually nags-start ako mga 3 PM. Ang karaniwan kong ginagawa ay blog posting, tsaka pagsha-share sa Facebook. Madalas kapag nagsusulat ako ng blog post ay inaabot ako ng 1 oras hanggang 3 oras para mai-publish yung blog post ko. Pagkatapos nun ay makikita ko nalang sa orasan sa ilalim ng screen ng computer na 5 PM na o kaya naman ay 6 PM na. Hanggang 7 PM lang ako sa computer, so madalas akong nakukulangan sa oras para sa business ko. Eh may mga iba pa akong gagawin para sa business ko, hindi lamang ang pagpo-post sa blog. Kaya't na-realize ko sa sarili ko na dapat magkaroon ako ng bagong sistema sa business ko. At after ko i-apply itong 5 Things na ito ay nagawa kong mas maging productive sa business ko.

Ano nga ba ang 5 things na ito?

1. Prioritize Your List

Upang magkaroon tayo ng sapat na oras para sa business natin kailangan natin matutong i-prioritize yung mga dapat natin gawin. To be honest, kapag ginagawa ko yung business ko dati madalas napapa-Facebook lang ako. Kaya wala akong natatapos. Pero simula nung nag-prioritize ako ng mga gagawin ko mas naging productive ako sa business ko.

2. Allot a Specific Amount of Time for a Single Task

Mag-spend lang tayo ng specific amount of time sa bawat task na gagawin natin para mas marami tayong magawa. Halimbawa, spend a maximum of 1 hour and 30 minutes in blog posting. Para after nun, magawa mo naman yung iba mo pang gagawin.

3. Learn To Schedule

Do scheduling of your task. Hindi mo magagawa sa loob ng isang araw ang 100 task for example. Kaya ang gawin mo ay i-schedule mo kung alin ang gagawin mo sa particular na araw.

4. Don't Overload Your Schedule

Wag mong punuin yung schedule mo sa isang araw. Kailangan mo rin ng pahinga dahil tao ka. Dapat ang una mong i-schedule ay yung mas priority mo. 

5. Ask For Help

We all need help sometimes. Hindi kabawasan sa pagkatao mo ang humingi ng tulong sa iba kung kailangan mo ng tulong. Makakabuti rin ito dahil may mga bagong knowledge ka na pwedeng matutunan sa mga coaches at mentors na makakatulong sa'yo.

So yan yung 5 things na makakatulong sa'yo para maging productive sa iyong business at matapos mo yung mga kailangan mong tapusin sa business mo.

I hope that this post serves you.

Don't forget to leave your comments below and share this post!


Bringing out the best in you,
Richmond Dee
Entrepreneur & Author of eBooks
5 Things That Will Help You Finish Doing Your To-Do List For Your Business 5 Things That Will Help You Finish Doing Your To-Do List For Your Business Reviewed by Richmond Dee on 9:08 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.